Minsan lang ito mangyari sa akin. Kaya pasensya na
Hindi ko mawari kung bakit at kung papaano pero alam mo ung pakiramdam na pagod na pagod ka na sa mga bagay. Yung tipong paulit ulit na nangyayari sa'yo ang mga bagay. Pagod na akong masaktan. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pagdating sa ganito lagi na lang ako ang dehado. Minsan iniisip ko buti pa sila ganito, buti pa sila ganan, buti pa siya ganito, buti pa siya ganan eh pano naman ako? Pano naman ang nararamdaman ko? Pano naman ako kung lagi na lang ganito? Minsan iniisip ko kung sino bang mali. Ako ba o ikaw o siya o sila. Ang hirap isisi ang isang bagay lalo na kung alam mo namang ikaw talaga ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa'yo ito. Alam mo ung feeling na di mo maiwasan ang sarili mo na pumunta sa ganitong situation. Minsan kasi hindi ko rin nakikita na dun na pala patungo ang mga bagay, bigla ko na lang malalaman na eto na naman ako sa ganitong situation. Mahirap para sa akin kasi lagi na lang akong nasasaktan ng walang karapatan. Kung baga sino ba ako? Hindi ko nga rin alam kung dapat ba o hindi dapat pero ang alam ko lang lagi na lang huli na. Kung kailan nandun na ako tsaka ko malalaman ang mga bagay na hindi ko na lang sana nalaman para hindi na ako nagkakaganito.
Hindi ko naman ginusto na mangyari ito. Sino bang tao na nasakatinuan ang gugustuhing gawin ito sa sarili nya? Ang paulit ulit na masaktan? Pagod na ako sa ganung situation. I want to let go of the past but it seems that the past can't let me go. Hindi ko naman talga intention iyon nung una pero bigla na lang dumadating ang mga pagkakataon. Akala ko nga eto na, eto na ang oras, eto na ang iniitay ko, eto na ang magpapasaya sa akin, kaso mali pala ang initay ko. Nakaranas nga ako ng saya pero panandalian lang kasi sa tuwing nakikita ko ang ayaw kong makita, dun pumapasok ang lungkot, ang pighati at ang katotohanan na minsan hanggang dun lang talaga. Hanggang dun lang ang lugar mo, hanggang diyan ka lang. Kapag pinilit ko namang umusad pa, lalo lang akong masasaktan. Bakit ka pa uusad papunta dun kung alam mo namang walang naghihintay sa'yo dun at alam mo namang masasaktan ka lang doon? Hindi ba dapat manatili ka na lang kung nasan ka ngayon at hayaan na lang na ang panahon na ang magpasya kung ano ang dapat mangyari? Pero kung ganun ang gagawin mo, na hahayaan mo lang ang panahon na umayos nito para sa'yo lalo ka lang mahihirapan kasi nakatunganga ka lang at naghinintay. Naghihintay sa pagkakataon na posibleng dumating o posible din namang kahit kailan ay hindi na dumating. Mahirap maghintay, masakit maghintay at higit sa lahat ang pinakamasakit ay yung nandyan na bigla pang mawawala.
Lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko na ilabas mo lang yan, ok lang yan, minsan talga kainlngan nating maging mahina at hindi pwede yung lagi tayong matatag.
Pero itong mga bagay na sinasabi ko sa kanila ay di ko naman magawa para sa asarili ko. Lagi kong pinipilit na magpakatatag na wag bumigay sa mga problema, na kaya ko ang mga bagay. Pero mali pala ako. Hindi ko pala kaya na lagi na lang akong nagpapakatatag kapag ganito na ang nangyayari. Gusto ko minsan umiyak, gusto ko sumigaw, gusto ko magwala pero lagi kong pinipigilan ang sarili ko kasi hindi ko alam kung dapat ba na gawin ko ang mga ganung bagay. Mahirap sobrang hirap. Nakakapagod. Gusto ko na sumuko minsan pero tuwing naiisip ko kung bakit nga ba ako kumapit ng ganun katagal lalo ko pang pinipilit na kumapit at wag bumitaw.
The minute you thought of giving up, think of the reason why you hold on too long.
Kaya naman ayokong sumuko. Ayokong matalo at ayokong magpatalo.
Minsan na akong nasaktan pero gano nga ba kadalas ang minsan? Gano nga ba karami ang kaunti? Paano nga ba bibitiw kung lagi kang binibigyan ng dahilan para kumapit? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sa bawat saya at tuwang nadarama ko, lungkot at pighati naman ang dumadalaw pagkatapos nito. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko.
No comments:
Post a Comment