This post was suggested by a friend of mine because she wants to know my stand about this topic and to explain what the rubber band theory is. For the sake of expressing myself better, I will write in my native language so that I can say what I really want to say.
Kapag nag mamahal ka sabi nila ang sarap daw ng feeling pero mas masarap kung ung pagmamahal na un ay ibinabalik sayo in other terms a mutual relationship is better compared sa one sided na love. Once nag start ang relationship between the two of you ayan na, diyan na magsisimula dumating ang mga problema. Problems are there to test you. Oo alam ko minsan mahirap tapos minsan feeling mo hindi mo na kaya pero ang totoo kaya mo naman masyado mo lang pinapangunahan ang sarili mo. Eventually dahil nga sa mga problemang dumadating minsan talaga hindi maiiwasang masira ang relationship between the two of you. Lalo na kung wala namang ginagawa para masolusyunan ang mga problemang dumadating. Having a relationship demands time, patience and understanding, kaya minsan hindi nagwowork out kasi ang ka partner ay hindi nakukuntento sa effort na binibigay ng ka partner nya.
Eto na kapag nawala na kayo dadating ung phase na una hindi mo pa matanggap na wala na kayo. Syempre ume-emosyon ka muna. Magpapapansin sa text mo sa kanya or sa FB or sa Twitter. Ito ung sinasabi nilang denial stage. Hindi matanggap ang katotohanan at pinipilit parin ang nakaraan kaya nahihirapang umusad sa buhay pag-ibig. Syempre gagawa ka ng mga moves para mapansin at para marealize nya na ikaw talaga ang taong mahal nya at ang taong para sa kanya. And now I introduce to you the "Rubber band Theory".
Nabasa ko itong theory na ito sa isang libro. Oo nagbabasa ako ng libro. HAHAHA. Anyway, sabi sa theory kapag ang relationship ay humantong na sa kinakatakutan na hiwalayan ang kailngn mong gawin ay lumayo. OO LUMAYO KA. Hindi ung pilit mong ipagsisiksikan ang sarili mo sa kanya, ay good luck naman sayo kung balikan ka pa niya HAHAHA. So ang una mong kailngang gawin ay lumayo. Lumayo ka as in space, distance. 'Wag mo daw syang susundan na parang aso or hanapin na parang ikaw ay magulang nya. Hayaan mo siya sa buhay nya. Hayaan mong marealize nya kung ano ang nawala sa kanya. Kapag na realize na nya na ikaw nga talaga ang mahal nya at nabigyan mo na siya ng time para mag isip then tsaka ka bumalik. Parang rubber band lang. Pwede mong i-stretch hanggang kaya mo pero eventually babalik pa din ito sa original nyang shape. Pero itong theory na ito ay may risk na involved. Sa paglayo mo maaaring marealize nya na hindi pala ikaw talaga ang para sa kanya or di kaya sa sobrang paglayo mo mapigtal na ang ugnayan nyo sa isa't isa. At iyan ang rubber band theory.
Pumunta naman tayo sa part na Letting go and Moving on. In my opinion, opinion ko lang naman ito HAHAHA. Once na narealize mo na wala na, that there is no more chance of being together aba edi bitiw na! Bumitiw ka na sa nakaraan dahil kung patuloy kang kakapit lalo ka lang masasaktan. I know hindi madali mag let go. Mahirap kasi nga malalim na ang pinagsamahan nyo. Pero tandaan mo din na it will just make you stronger. Sa paraang ito malalaman mo kung san ka nagkamali, anong kailangan mo pang gawin at pano mo mapapatunayan sa sarili mo na kaya mo pa. Then the time comes to move on. Kasunod ng pagbitiw mo ay umusad ka na din sa buhay. Let the past remain as the past. Mag silbing aral na lang sa'yo ang nakaraan para hindi mo na maulit ang mga pagkakamali mo sa hinaharap. Kapag nalampasan mo ito siguro gagaan na ang pakiramdam mo. No more pain, no more regrets.
Sabi nga sa kanta, "loving is not owning, we can let it go" see? pati kanta may ganang linya. Love will always be there. Hindi iyan nawawala. Sabi nga nila walang word na minahal, kasi deep inside meron pading kahit kaunting pagmamahal na natitira diyan sa puso mo para sa kanya. (nuhks may ganun). When you let go of love it will still find it's way back to it's rightful place. Maging masaya ka na lang kaysa malungkot ka pa at magpasalamt dahil naging parte sya ng buhay mo. Matuwa ka kasi naranasan mo yung ganang feeling at least alam mo pa ding tao ka kasi may nararamdaman ka :)
So friends, let us all be happy! Happiness is a choice. If you choose to be happy then you will be happy HAHAHAHA. Enjoy life, relax and have fun. Commit mistakes and learn from them. Experience is the best teacher.
_________________________________________________________________________________
P.S.
Di ako bitter ha. I love my life. I have friends na mahal ko at mahal din ako, sooo wala lang nagpapaka defensive lang HAHAHAHA
No comments:
Post a Comment