Minsan may mga bagay na nagtuturo sa atin ng mga dapat matutunan sa buhay. Minsan nasasaktan tayo para malaman natin na ang mundo ay hindi lang puro saya. Minsan may mga bagay na masaya, nakakaiyak o minsan mapapatawa o kaya naman mapapatulala ka na lang ng hindi mo namamalayan. Ang hindi ko lang maintindihan ay yung mga taong sa isang bagay na kanilang pinagdaanan ay sobrang dami nilang natutunan na para bang kung ano ang kanilang sinasabi ay makatotohanan o kaya naman minsan ang dating ay sobrang expert na nila doon sa bagay na iyon.
Let us take love for example.
Hindi ko maintindihan kung bakit yung mga taong nagmahal at minsan ng nasaktan kung makapagpayo ay wagas lang talaga! Para bang sila ay isang philosopher na nabuhay na ng matagal na panahon at napakarami ng napagdaanan. Hindi naman sa lahat ng bagay pare-parehas ang nangyayari sa buhay pag-ibig ng isang tao, pero nakakabaliw lang talaga sila kung makapayo na
"gawin mo 'to",
"'wag mong gawin yan!",
"oo tama pag intayin mo sya"
at marami pang ibang nakakabaliw na mga kasabihan.
Kung iisipin mong maigi ha,
nasaktan ka lang nung nagmahal ka ang dami mo nang natutunan bigla? Wow, kung ganun lang din naman ang mga bagay bagay ay nako ako ay kada araw ay maghahanap ng mamahalin at mananakit sa akin para madami na akong matutunan sa buhay. (hahaha joke lang)
Minsan nagugulat na lang din ako na "talaga? ganun yun? parang hindi naman." ganan yung naiisip ko kapag may mga taong kung makapag quote ng tungkol sa buhay ay para bang ang tatanda na nila, to think na ka-age ko lang sila! TAE ano bang nangyayari sa mundo? Ako na lang ba ang walang natututunan sa buhay?
I don't aim to hurt anyone sa post kong ito, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang mga bagay na naiisip ko kasi matagal ko ng pinipigil na magsalita pero ngayong nasabi ko na....ok lang hahaha. Sabi nga ng isa kong friend "nasaktan lang, parang naging wise-man na agad".
Pero hindi ko din naman masisisi ang mga tao kung nagugustuhan nila yung mga payo or sinasabi ng mga ganung tao, kasi nakakarelate sila, siguro iyon yung aking problema, hindi ako makarelate sa kanila kasi malay ko ba dun sa kanilang na-experience na iyon.
Hay life...makahanap na tlaga na mananakit sa akin ng may matutunan naman ako! HAHAHAHA oh well malay natin maging super wise ako at marami na akong maipapayo na tungkol sa buhay. Teeeheee
at eto na lang ang masasabi ko sa inyo....
you better run, faster than my bullet :)
No comments:
Post a Comment